lumipas na ang biyernes ng gabi. walang magawa sa bahay...
kwentuhan lang sa madaling araw....
tanong ni pj -- "bakit di kayo umiinom?"
sagot ko -- "wala kasing perang pang-inom..." hehehe
dahil walang alak... kung saan-saan ang daloy ng usapan.
tumugtog sa radyo ang kantang "samson" ni regina spektor.
napagmuni-muni tuloy ni pj -- bakit daw lahat ng babae sa bibliya, kung hindi virgin... puta??
wala akong naisagot dun.
di ko rin alam kung bakit eh.
umiiyak si happy sa background -- di kasi namin siya pinapasok ng bahay dahil sobrang kulit niya.
may mga pasok pa kami mamaya. si edward may team building, si pj may pictorial, ako -- as usual, may pasok pag sabado.
pero di pa rin dumarating ang antok.
tanong ko sa sarili ko -- bakit ganun, pag kailangan mo nang matulog -- di ka naman mapikit?
hay, ewan ko ba.
tawag na nga lang sa 8-MCDO. masarap ang fries sa madaling araw.
habang nag-aabang ng delivery, itong si ulo --- nagbabalak nang maglaba. wala talagang magawa.
ako -- abot na lang ng posporo't lighter. masarap magyosi pag walang magawa.
hithit-buga sa saliw ng kanta ni mary j. blige... tapos na kasi ang kanta ni regina.
hirit ni ulo -- "oo nga no, insenso nga siya!!" -- sa espesyal na posporong dala ni marlin mula new york.
mabango yung posporo -- amoy bulaklak ng kampupot (actually di ko alam kung anong amoy niya).
nagpaplano na kami ng gagawin sa weekend. maglalaba, magluluto, manonood ng sine.
ang sarap ng mga ganitong oras. walang magawa. di kailangang mag-isip ng malalim.
wala pa ang mcdo. kumakahol ang mga aso sa mga tambay sa labas.
sana pwede kang kumita ng ganito no? nakaupo sa harap ng computer, nagta-type ng kung ano-ano...
kapapatay ko lang ng yosi ko. gusto ko na naman magsindi.
adik na yata talaga ako sa sigarilyo.
o ganun lang ba talaga pag walang magawa....
(2:20am)
No comments:
Post a Comment