grabe, i never knew i could work and party nang halos tuloy-tuloy simula friday, and still live to tell the tale
after umere ng saksi last friday, nag-christmas party kami -- 1 am na yun ng saturday.
we had a blast, super saya ng party -- lalo na ang pag-awit ni dave ng doon lang ni nonoy zuniga.
panalo rin yung kaibigang guitarist ni eugene -- ang galing galing galing galing niya, wala ako masabi. and the best part was he played for us gratis!
naubos ang boses ko kasi ako na rin ang tumayong host ng party namin -- at ang masasabi ko lang -- di mahilig kumanta ang mga taga-saksi -- di talaga pramis.
kaya ayun, inabot na kami ng alas-siyete ng umaga -- saka lang nagsitigil sa pagawit ang mga utaw -- dahil pagod na si jocar the guitar guy.
buti na rin kasi meron pa akong trabaho nun para i-supervise ang balitanghali saturday.
so konting idlip, tapos wisik wisik lang, tutbras at entra na ulit sa office.
after umere -- christmas party naman ng bt.
umuwi lang ako sandali kasi kailangan ko ihatid yung sisters ko sa bus station dahil uuwi sila sa probinsya.
pagkahatid ko sa kanila, umidlip ako ng sandali -- ayun napaglipasan na ako ng party ng bt dahil di ako nakagising.
pero i still have another party with my college buddies sa ortigas.
so pagkagising -- wisik wisik ulit, last minute wrapping ng gifts, sakay ng taxi -- at pagdating sa cubao -- 30 minutes na hindi gumagalaw ang mga sasakyan. buti mabait si manong driver at hindi niya kami inangasan. nagkwentuhan na lang kami to pass the time.
mamukat-mukat namin - pagdating sa aurora underpass wala naman palang katrapik-trapik -- may bottle neck lang talaga sa mga istasyon ng bus.
pagdating sa linden suites -- lafang agad dahil gutom na gutom na ko. tapos inom na naman at kwentuhang katakot takot.
after nun -- exchange gifts na kami. ang i have to say mukhang umuunlad ang mga buhay-buhay ng mga friendships dahil super ganda ng mga gifts!
i got:
- the special extended edition dvd of the fellowship of the ring (thanks bonil!)
- the special extended edition dvd of the two towers (completing my lotr trilogy kasi meron na ko nung special extended edition ng return of the king) -- thanks hami!
- nightmares and dreamscapes dvd (mini-movie adaptation of stephen king's short story anthology) -- thanks hami!
- a crumpler bag!!! (advanced birthday gift!)
- the eternals!!! thanks kiel!
- a topman jacket (thanks jeng!!)
- a zippo lighter (thanks mean!!)
- two t-shirts (thanks peej and pau!)
in between shots of tequila, we played some games, and gobbled up mean's wonderful food. at sa walang tigil na pagluluto -- natrigger yung smoke detector dahil ang usok na ng buong suite (di yata maganda ang ventilation nila eh)
ayun inabot kami ng alas kwatro ng umaga ng linggo. di ko namalayan nakatulog pala ako. paggising ko alas-siyete na ng umaga. at kailangan ko na umuwi dahil may mga kailangan pa akong bilihan ng regalo.
fast forward ng ilang oras later, nasa trinoma na ko nakikipagbunuan sa last minute xmas shoppers kasama ni edward and marlin. kape ng konti sa starbucks at uwi na. buti na lang hindi na mashado matraffic.
pagdating sa house -- nagbalot ulit kami ng gifts.
tapos naglinis naman kami ng bahay dahil mukha na siyang war zone sa dami ng mga nagkalat na gift wrapper.
at eto, katatapos-tapos lang namin. ilang oras mula ngayon -- papasok na naman ako.
pero hindi ako nahaggard -- grabe lang talaga sa kapaguran pero grabe rin naman sa kasiyahan.
No comments:
Post a Comment